^

Bansa

NTC: Higit 11.2 milyong SIM card nairehistro na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
NTC: Higit 11.2 milyong SIM card nairehistro na
Batay sa datos na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC) kahapon, nabatid na hanggang nitong Enero 2, 2023, kabuuang 11,219,722 SIM cards na ang nairehistro. Kabilang dito ang 1,017,012 ng DITO Telecommunity; 5,030,649 ng Globe Telecom; at 5,172,061 ng Smart Communications.
Philstar.com / Era Christ Baylon

MANILA, Philippines — Umaabot na sa mahigit 11.2 milyon ang mga SIM cards na nairehistro sa bansa.

Batay sa datos na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC) kahapon, nabatid na hanggang nitong Enero 2, 2023, kabuuang 11,219,722 SIM cards na ang nairehistro.

Kabilang dito ang 1,017,012 ng DITO Telecommunity; 5,030,649 ng Globe Telecom; at 5,172,061 ng Smart Communications.

Ang SIM registration ay sinimulan noong Disyembre 27, 2022 lamang, kasunod nang pagiging epektibo na ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 11934 o SIM Registration Act.

Mayroon namang 180 araw ang mga SIM users na irehistro ang kanilang mga ginagamit na SIM card upang makaiwas sa deactivation.

Ang mga bagong SIM card naman ay kailangan munang irehistro bago magamit ang mga ito.

SIM CARD REGISTRATION LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with