Biyahero mula China, hihigpitan - DOH
Sa lumolobong kaso ng COVID-19
MANILA, Philippines — Nakataas ngayon ang “heightened surveillance” ng lahat ng pasilidad pangkalusugan ng Department of Health at iba pang ahensya ng pamahalaan sa pagbabantay sa mga biyahero partikular na iyong mga galing sa China.
Sa inilabas na Department Memorandum ng DOH, ipinag-utos ang patuloy na koordinasyon sa ibang ahensya at palakasin pa ang implementasyon ng mga “border control protocols” sa lahat ng port of entry ng bansa.
Inilabas ang memorandum ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire kasunod ng panibagong surge ng mga kaso ng COVID-19 sa China. Sa kabila rin ito ng paghihintay ng ilalabas na kautusan ng Malacañang sa panukalang “travel ban” sa mga biyahero mula sa naturang bansa.
Partikular na imo-mo- nitor ng pamahalaan lalo na ang mga naka-duty sa mga paliparan at pantalan ang lahat ng sintomas sa “respiratory” ng mga biyahero mula sa China. Pinabubusisi rin niya ang “maritime declaration of health” at ang parte sa kalusugan ng Aircraft General Declaration.
Inatasan na rin ni Vergeire ang lahat ng Centers for Health Development (CHD) sa buong bansa na ipagpatuloy ang istriktong implementasyon ng “minimum public health standards” para matiyak ang mababang lokal na transmisyon ng virus. Una nang inatasan ang Bureau of Quarantine na palakasin pa ang “quarantine protocols” sa mga biyahero mula sa China.
Samantala, nagpahayag ng kahandaan naman si Bureau of Immigration commissiner Norman Tansingco sa agarang implementasyon ng “travel restrictions” sa mga paliparan sa mga biyahero mula sa China kung ipag-uutos na ng Malacanang.
“We take the cue from the DOH, the IATF, and the Office of the President on implementing travel restrictions,” saad ni BI Commissioner Norman Tansingco.
- Latest