^

Bansa

PRC, naglabas ng safety tips sa pagsalubong sa Bagong Taon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
PRC, naglabas ng safety tips sa pagsalubong sa Bagong Taon
Sa undated photo na ito, nanunuod ng fireworks display ang mga residenteng ito ng Marikina City sa gitna ng pagdiriwang ng Bagong Taon.
The STAR/Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — May inilabas na mga safety tips ang Philippine Red Cross (PRC) para sa ligtas na pagdiriwang ng publiko sa Bagong Taon.

Sa isang pahayag, sinabi ng PRC na mas makabubuti sana kung iiwas na lamang sa paggamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon upang makaiwas din sa panganib na maaaring idulot nito.

Ang mga indibidwal naman na magpapaputok ay pinayuhan ng PRC na gumamit lamang ng mga ­otorisadong fireworks at firecracker products.

Pinaalalahanan pa ng PRC ang mga magpapaputok na huwag gumamit ng posporo, kandila, lighter, sparkler, at sigarilyo sa pagsisindi ng fireworks at firecrackers.

Sa halip, mas makabubuting gumamit na lang ng mosquito repellent coils.

Sakali naman umanong magsimula nang magsindi ang firework o firecracker ay dapat mabilis na lumayo dito wag tumayo sa tabi ng paputok dahil maaaring magresulta ito sa pagkasugat.

Sakaling hindi magsindi ang paputok huwag nang subukang damputin o sindihan itong muli dahil maa­aring bigla na lang itong magsindi at sumabog.

Pinayuhan rin ng PRC ang publiko na magsuot ng mga safety equipment, gaya ng mga hard hat, gloves, ear plugs, face mask, at goggles kung magpapaputok.

Para sa mga napaso o nasugatan dahil sa paputok, kaagad itong hugasan at linisin upang mabawasan ang init nito saka patuyuin ang sugat, gamit ang malinis na tela.

Maaaring lagyan ito ng topical anesthetic burn spray, aloe vera lotion o di kaya ay cream upang ma-moisturize ang nasugatang bahagi ng katawan.

Maaari ring lagyan ng antiseptic cream ang sugat at balutin ng malinis at malambot na tela o kaya ay gasa, kung kinakailangan.

Kung ipinayo ng doktor, maaari umanong uminom ng analgesic, gaya ng paracetamol o ibuprofen ang nabiktima ng paputok upang mabawasan ang sakit na nararamdaman nito.

Anang PRC, sakaling kinakailangan, isugod kaagad ang biktima ng paputok sa pagamutan o sa pinakamalapit na medical facility para mabigyan ng kaukulang lunas.

Para sa emergency medical services, kontakin ang Red Cross 143 o (+632) 87902300.  

PRC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with