MANILA, Philippines — Para madagdagan ang supply sa gitna ng pagsirit sa presyo ng sibuyas, sinisikap na umano ng pamahalaan na ibenta ang mga smuggled na sibuyas sa mga pamilihan para madagdagan ang supply nito.
“We’re trying to find ways to bring these smuggled onions that have been caught na ilagay na sa market para mabawasan ang supply problem,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Subalit mayroon umanong ilang isyung legal para agad itong magawa kaya patuloy nila itong ginagawan ng paraan.
“But, there’s some legal issues to doing that immediately so we’re still working on that,” giit pa ng Pangulo.
Nauna naman sinabi ng Department of Agriculture (DA) na nagpapatuloy ang pag-iimbestiga kung ano ang dahilan ng patuloy na pagsirit ng halaga ng pulang sibuyas na pumalo na umano sa P720 ang kada kilo.
Dahil dito kaya inirekomenda na ng DA na itaas ang suggested retail price ng pulang sibuyas sa P250 kada kilo simula kahapon Disyembre 30.