Biktima ng paputok, umakyat sa 41
MANILA, Philippines — Umakyat na sa 41 ang mga biktima ng paputok makaraang apat na bagong kaso ang naitala dalawang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, ayon sa monitoring ng Department of Health (DOH).
Ayon sa DOH, mas mataas na ito ng 52% kumpara sa 27 na naitala noong nakaraang taon sa parehong period. Nagmula ang ulat sa 61 sentinel hospitals sa buong bansa.
Karamihan sa mga kaso ay nagmula sa Western Visayas na may 10, kasunod ang Bicol na may anim at Soccsksargen na may apat na kaso.
Karamihan sa pinsala na tinamo ng mga biktima ay sugat sa mata, kamay at braso.
Nangunguna sa mapaminsalang uri ng paputok ang boga na may 16 na kaso, kasunod ang five star na may lima, apat na kaso kaugnay ng whistle bomb at tatlo dahil sa kwitis.
Nakataas ngayon sa Code White ang lahat ng pagamutan sa bansa bilang paghahanda sa mga posibleng insidente sa kasiyahan sa Bagong Taon lalo na’t mas maluwag ngayon ang restriksyon ng pamahalaan kaugnay ng COVID-19.
- Latest