MANILA, Philippines — Dalawang pasyente ang naitalang unang kaso ng Omicron subvariant BN.1. sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH) na ang BN.1, na sublineage ng BA.2.75, ay ikinokonsiderang “variant under monitoring” ng European Center for Disease Control.
“The variant was initially flagged by the researchers due to its increasing prevalence and mutations that may lead to enhanced immune evasion,” ayon sa pinakahuling biosurveillance report na inilabas ng DOH nitong Huwebes.
“However, currently available evidence for BN.1 does not suggest any differences in disease severity and/or clinical manifestations compared to the original omicron variant,” dagdag pa nito.
Sa ngayon ang naturang Omicron strain ay iniuulat pa sa ilalim ng BA.2.75 ng World Health Organization (WHO).
Mananatili anila itong klasipikado sa ilalim ng Omicron maliban na lamang kung makakita sila ng sapat na ebidensiya na nagpapakita na ang mga characteristics o katangian nito ay kaiba sa Omicron.
Samantala, nakapagtala rin ang bansa ng karagdagan pang 342 kaso ng Omicron subvariants.
Mula sa 351 samples, 145 ang klasipikado bilang Omicron BA.2.3.20; isa ang BA.4; 76 ang BA.5; 72 ang XBB; 8 ang XBC, at 40 ang ‘other omicron subvariants.