32 patay sa nagdaang 'Christmas floods'; pinsala sa agrikultura P206.48-M na

This handout photo courtesy of Angelica Villarta taken on Dec. 27, 2022 and received on December 28 shows residents surveying damage caused by heavy rain and floods in Oroquieta City, Misamis Occidental.
Handout / Angelica Villarta / AFP

MANILA, Philippines — Nakapagtatala pa rin ng mga panibagong kaso ng nasawi sa mga pagbaha dulot ng ulan dahil sa "shear line" nitong Kapaskuhan, ito habang nagpapatung-patong ang pinsala nito sa sektor ng agrikultura at imprastruktura.

Umabot na sa 486,485 katao ang naaapektuhan nito, Huwebes, ayon sa pinakahuling taya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC):

  • patay (32)
  • sugatan (11)
  • nawawala (24)
  • nasa evacuation centers (56,110)
  • nasa labas ng evacuation centers (45,503)

Sa mga naiulat na namatay, pito ang naberipika na habang 25 ang for validation pa. Kabilang sa mga naitalang casualties ay nanggaling sa:

  • Bicol Region
  • Eastern Visayas
  • Zamboanga Peninsula
  • Northern Mindanao
  • Davao Region
  • CARAGA

Samantala, nakapagtala naman ang NDRRMC ng nasa P206.48 milyong halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura, bagay na nakaapekto na sa 9,195 magsasaka at mangingisda. Bukod pa ito sa P2.05 milyong damages sa mga irigasyon sa Bikol.

"The estimated cost of damage to infrastructure amounting to Php 51,550,000 was reported in MIMAROPA, Region 5, Region 10, Region 11, CARAGA," dagdag pa ng konseho.

"A total of 4,068 damaged houses are reported MIMAROPA, Region 6, Region 8, Region 9, Region 10, Region 11, CARAGA, BARMM."

Dahil dito, umabot na sa 20 lungsod at munsipalidad ang nasa ilalim ng state of calamity, dahilan para magpatupad doon ng mga automatic price controls sa mga batayang pangangailangan. Kasama na rito ang state of calamity para sa buong Northern Mindanao.

Nakapag-abot naman na ng P49.42 milyong halaga ng ayuda sa ngayon sa porma ng pinsyal na tulong, family food packs, hygiene kids, atbp.

Kasalukuyang nagdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Pilipinas ang low pressure area sa silangan ng Visayas at ang Hanging Amihan, ito ilang araw ang pagsasara ng 2022.

Show comments