Petisyon na bigyan ng P83 milyong mga PhilHealth officials, ibinasura ng SC

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon ng Philippine Health Insurance Corporation’s (PhilHealth) laban sa kautusan ng Commission on Audit (COA) na pumipigil sa pagpapalabas ng P83 milyon para sa kanilang mga opisyal at tauhan noong 2014.

Sa 21-pahinang desisyon ng SC na inilabas ngayong Disyembre, pinagtibay nito ang desisyon ng COA na huwag bigyan ang mga opisyal at tauhan ng PhilHealth ng naturang kalaking halaga para sa birthday gifts at education allowance dahil sa hindi ito aprubado ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

“Wherefore, the petition is dismissed. The COA Proper Decision dated January 29, 2018 and Resolution dated August 15, 2019 in COA CP Case No. 2015-683 are affirmed,” ayon sa SC.

Ayon sa mataas na korte, nilabag ng PhilHealth ang mga konsepto ng “fiscal autonomy, institutional authority para sa pagsasaayos ng kompensasyon ng mga tauhan, at “good faith”.  Ibinalik naman umano ito sa ayos sa ibinabang desisyon ng COA.

Sa isang desisyon noong 2016, napatunayan na walang ganap na diskresyon ang PhilHealth sa pagdetermina ng kompensasyon ng kanilang mga opisyales.

“At this point, there should no longer be any question that PhilHealth is not exempted from the application of the [Salary Standardization Law],” ayon pa sa SC.

Bukod pa dito, nabigo umano ang PhilHealth na tukuyin ang mga partikular na “acts of grave abuse” na sinasabi nilang nagawa ng COA.

Show comments