Patay sa 'Christmas floods' umapaw sa 25 — NDRRMC

This handout photo taken on December 25, 2022 and received on December 26 from the Philippine Coast Guard shows rescuers evacuating a child from a flooded area in Ozamiz City, Misamis Occidental. Two people were killed and nearly 46,000 others fled their homes as Christmas Day floods dampened the mainly Catholic Philippines's most important holiday, civil defence officials said on December 26.
AFP/Handout / Philippine Coast Guard (PCG)

MANILA, Philippines — Patuloy sa pagdami ang bilang ng mga namatay sa mga pagbaha at ulang dulot ng "shear line" nitong Christmas weekend sa Luzon, Visayas at Mindanao — ito habang mas marami ang naiulat na nawawala.

"A total of 25 dead, 9 injured, and 26 missing persons were reported," sabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa isang ulat, Miyerkules.

Sa kabila nito, tatlo pa lang sa mga pumanaw ang nakumpirma habang "for validation" pa rin ang nasa 22 iba pa.

Ang mga nabanggit ay kabilang sa 393,069 na nasalanta ng masungit na panahon:

  • lumikas sa mga evacuation centers (81,443)
  • nasa labas ng evacuation centers (65,643)

Kabilang sa mga naapektuhang rehiyon ang sumusunod:

  • MIMAROPA
  • Bicol Region
  • Western Visayas
  • Central Visayas
  • Eastern Visayas
  • Zamboanga Peninsula
  • Northern Mindanao
  • Davao Region
  • CARAGA
  • Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao

Umabot naman na sa mahigit P63.87 milyon ang halaga ng mga napinsala sa sektor ng agrikultura, bagay na nakaapekto sa 2,003 magsasaka at mangingisda.

"The estimated cost of damage to infrastructure amounting to Php 20,870,000 was reported in MIMAROPA, Region 5, Region 10, CARAGA," dagdag pa ng NDRRMC kanina.

Pwera pa ang mga nabanggit sa 1,196 kabahayang napinsala ng mga pag-ulan, kung saan 909 ang bahagyang pagkasira habang 287 ang wasak na wasak.

Dalawang lungsod at munisipalidad na ang nasa ilalim ng state of calamity sa ngayon, dahilan para magpatupad ng automatic prize freeze doon. Isa na riyan ang Gingoog, Misamis Oriental.

Nakapaghatid naman na ng nasa P6.68 milyong halaga ng tulong sa mga pamilyang nasalanta, kabilang na riyan ang family food packs, de lata, hygiene kits, kumot at tulong pinansyal.

Una nang sinabi ng Malaca?ang na patuloy nagmomonitor si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungkol sa insidente habang nakikipagpulong sa mga opisyal pagdating sa paghahatid ng agarang tulong sa mga nabanggit.

Show comments