^

Bansa

Presyo ng sibuyas, higit P500 na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Presyo ng sibuyas, higit P500 na
Kung dati’y walang mabi­ling sibuyas na pula, nga­yon na marami ng stock ay wala na ring gustong bumili pa dahil sa grabeng mahal ng presyo na pumapalo sa higit P500 sa mga palengke.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Hindi pa rin umano ikinokonsidera ng Department of Agriculture ang pag-aangkat ng mga sibuyas kahit pa umaabot na ngayon sa mahigit P520 ang kilo ng naturang pampalasa sa mga pamilihan.

Ayon kay DA deputy spokesperson Rex Estoperez, maaari kasi itong magpalala sa smuggling o pagpupuslit ng mga agricultural products sa bansa.

Sinabi pa ni Estoperez na ang ‘peak season’ ng mga sibuyas na ani sa bansa ay sa Enero 2023 na.

“Ayaw natin i-tolerate iyong smuggling. Kapag sinabi nating mag-issue tayo ng import permit, sa paligid lang iyan, ilalabas lang nila iyong smuggled goods,” paliwanag pa ni Estoperez.

Sinabi rin ni Estoperez na walang inilalabas na anumang projections ang DA sa volume ng mga sibuyas na maaaring mai-produce sa Enero.

Nabatid na sa Mega Q Mart sa Cubao, Quezon City, pumalo na sa P500 kada kilo ng sibuyas hanggang kahapon.

Ayon sa mga tindera, wala na silang makuhang murang sibuyas sa Divisoria kaya tumaas ang presyo ng kanilang tinda.

Ang mga sibuyas anila na P420 ang kilo ay na­ngungulubot na at malapit nang masira dahil ‘laon’ na ang mga ito o yaong galing sa cold storage facility habang hindi na rin maganda ang sibuyas na nagkakahalaga ng P400 hanggang P450 ang kilo.

Dahil dito, hindi na muna nagtitinda ng sibuyas ang ilang vendor, lalo’t marami nang mamimili ang nagrereklamo at ayaw nang bumili.

Nagpahayag din naman ng pangamba ang mga vendors na maaaring umakyat pa ang presyo ng sibuyas lalo’t pataas ang demand dahil sa pagsapit ng Bagong Taon.

 

ONIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with