LRT-2 may libreng sakay sa 'Rizal Day' tuwing rush hour

The LRT-2 Antipolo station starts its operations on July 5, 2021 as part of the East Extension project in Antipolo City.
The STAR/Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — May handog na libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa linya ng LRT-2 ngayong Biyernes, ito habang ginugunita ang ika-126 anibersaryo ng kabayanihan ni Jose Rizal.

"May handog na LIBRENG SAKAY ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa Biyernes, ika-30 ng Disyembre, mula 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m., at mula 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m.," wika ng LRTA sa isang pahayag, Martes.

"Ang LIBRENG SAKAY ay bilang pakikiisa ng LRTA sa mga Pilipino sa paggunita at pag-alala sa kabayanihan ni Gat Jose Rizal."

Aalis ang unang tren sa Recto at Antipolo stations sa araw na 'yon ng 5 a.m. Ang huling biyahe mula Antipolo ay aalis ng 9 p.m. habang 9:30 p.m. naman ito sa Recto.

Pinaaalalahanan naman ng LRTA ang mga pasahero na sumunod pa rin sa ipinatutupad na health, safety at security protocols upang makaiwas sa banta ng COVID-19 at sakuna.

Wala pa rin naman g pahayag ang LRT-1, MRT-3 at Philippine National Railways kung magbibigay sila ng kahalintulad na libreng sakay sa parehong araw.

Ang lahat ng ito ay nangyayari matapos ang kontrobersiya sa kakulangan ng stored value Beep cards sa mga linya ng tren nitong mga nagdaang linggo at buwan.

Show comments