Pinas target makakuha ng $40 bilyong assistance, loans sa 2023

Ayon sa OPS, nakatakdang kumuha ang gobyerno ng $19.1 billion halaga ng official development assistance (ODA) sa 2023, kasunod ng $85.5 milyon halaga ng grants at techical assistance na ipinatupad ngayong taon.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Inihayag ng Office of the Press Secretary (OPS) ang plano nitong pagkuha ng tinatayang $40-billion halaga ng assistance at loan mula sa development partners at bilateral lenders sa susunod na taon, matapos ang debt stock na record high hanggang nitong katapusan ng Oktubre.

Ayon sa OPS, nakatakdang kumuha ang gobyerno ng $19.1 billion halaga ng official development assistance (ODA) sa 2023, kasunod ng $85.5 milyon halaga ng grants at techical assistance na ipinatupad ngayong taon.

Plano rin umano ng administrasyon na kumuha ng $9.2 bilyon halaga ng loans mula sa multilateral development partners $9.8 billion loans mula sa bilateral lenders sa susunod na taon.

Base sa datos mula sa Bureau of Treasury (BTr), lumalabas na ang outstanding debt stock ay P13.64 trillion nitong katapusan ng Oktubre, mataas ng 0.92% o P123.92 bilyon mula katapusan ng Setyembre na katumbas ng P13.517 trillion.

Sinabi pa ng OPS na ang koleksyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR0 at ng Bureau of Customs (BOC) ay umabot na sa P3.2 trillion base sa year end report ng Department of Finance (DOF).

Mas mataas ito sa inisyal na revenue target na P3.3 trillion para sa buong taon subalit mas mababa ito sa P3.515 trillion projection na ginawa ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC).

Sinabi rin ng OPS na tututok ang administrasyon sa rightsizing ng DOF bureaucracy, para sa streamlining sa organisasyon at proseso para ma-maximize ang paggamit ng public funds.

Layon dito na ipasa ang mga pangunahing panukala tulad ng panuklang excise tax sa single use plastics, value-added tax sa digital service providers, ease of paying taxes at mining fiscal regime.

“Tax administration reforms will be implemented to enhance tax efforts, maximize the government’s revenue potential, simplify taxpayer compliance and automate the BIR and BOC processes,” ayon pa sa OPS.

Show comments