^

Bansa

Marcos sa LGUs: Maglagay ng common area sa fireworks display

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Marcos sa LGUs: Maglagay ng common area sa fireworks display
The fireworks display at the Quezon Memorial Circle in Quezon City lights up the night sky during the New Year revelry on January 1, 2022.
STAR/ Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Upang mabawasan ang pinsala na dulot ng paputok, hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga local government units (LGUs) na maglagay ng common area para sa fireworks display sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon sa Pangulo, mas makakabuti kung gagawa na lamang ang mga LGUs ng magandang fireworks display na panonoorin ng kanilang mga constituents.

Pero binalaan din niya ang mga Pilipino tungkol sa mga panganib at epekto sa kalusugan nang paggamit ng paputok lalo na ang mga hindi nag-iingat at hindi isinasaalang-alang ang kaligtasan ng iba.

“Huwag muna tayong magpaputok at alam naman natin kung minsan delikado ‘yan. Lalo na ngayon at maglalabas sila ng mga paputok na hindi natin alam kung saan galing, kung maayos ang pagkagawa,” ani Marcos.

Nauna nang napansin ng Department of Health (DOH) ang pagbaba ng mga pinsalang may kaugnayan sa paputok sa bansa base sa mga numero sa mga nakaraang taon.

Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, sa isang forum nitong Martes, na 122 kaso ang naitala noong 2020, habang 128 ang naiulat noong nakaraang taon.

Pinalakas naman ng Philippine National Police ang pagsisikap na magsagawa ng cyber patrol, pagkum­piska at pagsira sa mga ipinagbabawal na paputok at pyrotechnics upang maprotektahan ang publiko.

vuukle comment

FIREWORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with