Pag-angkat ng 64,050 MT asukal, pinamamadali ni Marcos
MANILA, Philippines — Inutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siya ring Kalihim ng Department of Agriculture (DA) na pabilisin ang pag-aangkat ng 64,050 metriko toneladang refined sugar upang maging matatag ang presyo nito sa merkado.
Sa ilalim ng DA Memorandum Order No. 77, na nilagdaan noong Disyembre 20, 2022 ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, inatasan nito si Minimum Access Volume (MAV) Secretariat officer-in-charge at Executive Director Jocelyn Salvador na agarang i-convene ang MAV Advisory Council.
Ang MAV ay tumutukoy sa rami ng isang partikular na produktong pang-agrikultura na maaaring i-import sa mas mababang taripa.
Tinukoy ng DA na batay sa ulat noong Nobyembre 2022, ang taunang pagtaas ng inflation para sa mga sugars, confectionery, at desserts ay umabot sa 38%.
Nakasaad din sa kautusan na labis na nag-aalala si Marcos sa mataas na inflation rate.
“Concerned with this very high inflation rate, President R. Marcos Jr., Secretary of the Department of Agriculture, has ordered the Department to take action and to stabilize sugar prices,” anang MO ni Panganiban.
- Latest