^

Bansa

1 milyong pabahay kada taon, matutupad – Marcos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
1 milyong pabahay kada taon, matutupad � Marcos
President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. delivered a message after he arrived at Villamor Airbase in Manila on December 15, 2022.
STAR/KJ Rosales

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tutuparin niya ang kanyang pangako na magtayo ng 1 milyong low-cost housing units kada taon.

Inihayag ito ng Pa­ngulo sa groundbreaking ng Palayan City Township Housing Project sa Nueva Ecija, kasabay ang pagtiyak na magkakaroon ng sariling bahay ang mga walang tirahan at mga minimum wage earners.

“I am glad that we are continuing. This is not the first groundbreaking that I have attended. I know that it will not be the last, and that we will continue to break ground in different parts around the country para naman ‘yung ating pinapangarap na1 million homes a year,” ani Marcos.

“‘Pagka naabot natin, at least napakala­king bagay na ‘yan na na­bigyan natin ng solusyon ang problema ng pabahay ng ating mga kababayan,” dagdag ni Marcos.

Pinasalamatan ni Pa­ngulong Marcos ang Department of Human Settlements and Urban Deve­lopment (DHSUD), gayundin ang local ­government units (LGUs), sa kanilang papel sa pagpapatupad ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program.

Kumpiyansa ang Pangulo na magiging matagumpay ang mga proyektong pabahay.

Nitong Nobyembre nangako si Marcos na magtatayo ng hindi bababa sa 1 milyong bahay bawat taon, bilang bahagi ng pagsisikap ng kanyang administrasyon na tugunan ang backlog ng pabahay sa bansa.

Ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program ay isang flagship housing project ng administrasyong Marcos na naglalayong magbigay ng humigit-kumulang 6 milyong Pilipinong benepisyaryo ng ligtas, abot-kaya at komportableng tahanan.

Isang memorandum ng kasunduan ang ni­lagdaan sa pagitan ng DHSUD at ng mga ­institusyong pinansyal ng gobyerno para pondohan ang mga proyekto sa pabahay ng departamento.

vuukle comment

FERDINAND R. MARCOS JR.

HOUSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with