'Set-up? Suhol?': Lacson ipina-trace misteryosong P180k na natanggap sa bank account

Sen. Panfilo "Ping" Lacson speaks to media before the Comelec debates in Pasay City on April 4, 2022.
Philstar.com/Deejae Dumlao, File

MANILA, Philippines — Hindi inaasahan ng isang dating presidential candidate at noo'y senador ang nakuhang halos P200,000 sa kanyang bank account, dahilan para siya'y magduda kung modus operandi ito ng mga kawatan.

Sa kanyang tweet, Miyerkules, ipinagbigay alam ni dating Sen. Ping Lacson ang natanggap na limpak-limpak na salapi na nanggaling sa hindi niya pa matukoy na indibidwal.

"Yesterday, a Php180k online deposit was reflected in my savings account. Having no idea who made the transaction, I asked the bank manager to trace," sabi niya sa kanyang social media account kanina.

"Two reasons: a. if it was a mistake, reverse and return; b. if it was a set-up for a bribery case, it is now a matter of record."

Bago pa tumakbo sa pagkapangulo, matagal nang gumawa ng pangalan ang dating hepe ng Philippine National Police laban sa korapsyon, dahilan para hindi niya galawin ang kanyang Priority Development Assistance Fund sa Senado nang ilang taon.

Nagpapatuloy pa rin hanggang sa ngayon ang kanyang pagpapa-trace sa bangko. Sa kabila nito, sinabi raw sa kanya ng manager na nahihirapan silang mahanap ang nabanggit dahil sa Data Privacy Act.

"Well, in the realm of possibilities, pwedeng mag concoct ng scenario na balance lang ang P180k due to a wrong computation of the total amount," dagdag pa niya.

"Evil schemes have unlimited malevolent scenarios. I went through that experience 20 years ago."

Sabi ng ilang netizens, nawa'y ganito rin daw ang maging mindset ng mga nakakukuha ng perang hindi kanila sa pamamagitan ng mga mobile wallet at applications.

Wika ng Gcash, gumagawa sila ng mga paraan hindi mangyari ang mga ganito sa kanilang plataporma.

— James Relativo

Show comments