Lookout bulletin inilabas vs Bantag, Zulueta
MANILA, Philippines — Nagpalabas na ng immigration lookout bulletin (ILOB) ang Bureau of Immigration (BI) laban kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag at dating deputy security officer Ricardo Zulueta, na kapwa sangkot sa dalawang kaso ng murder.
Itinuturo ang dalawa na mga umano’y utak sa pagpaslang sa brodkaster na si Percival Mabasa, at inmate na si Jun Villamor na umano’y middleman sa pagpatay sa nabanggit na mamamahayag.
Sinabi ni Immigration spokesperson Dana Sandoval na ipinatupad ang lookout bulletin noon pang Disyembre 9.
Ngunit ayon sa Department of Justice, ang lookout bulletin ay para sa “monitoring purposes” lamang at hindi isang uri na magbabawal kina Bantag at Zulueta na lumabas ng Pilipinas.
Pero naniniwala rin ang DOJ na may posibilidad na umalis ng bansa sina Bantag at Zulueta.
“Considering the gravity of the offense charged in the criminal complaints, there is a strong possibility that respondents may attempt to place themselves beyond the reach of the legal process by leaving the country,” ayon sa memorandum.
Matatandaang kapwa itinanggi nina Bantag at Zulueta na may kinalaman sila sa pagkamatay nina Mabasa at Villamor. Hindi rin umano sila nagtatago.
- Latest