TV host Daphne Oseña-Paez, bagong
MANILA, Philippines — Palace press briefer Itinalaga bilang bagong Malacañang press briefer ang dating reporter na si Daphne Oseña-Paez.
“Makakasama sa bawat briefing na gagawin dito sa Press Working Area. Siya ang magiging tagapaghatid ng balita at impormasyon tungkol sa mga gawain at proyekto ni President Marcos,” anunsiyo ni Office of the President officer-in-charge Cheloy Garafil.
Ani Oseña-Paez, siya ang magiging regular na source ng updates sa Palasyo.
“I’m very honored to be communicating the message and programs of this administration, of course, in a accuracy and effective way and I will do my best,” ani Oseña-Paez.
Hindi magsisilbing tagapagsalita si Oseña-Paez ngunit inatasang “palakasin at ipaalam ang mensahe” ni Pangulong Marcos, ng Gabinete, at ng gobyerno.
Pinalitan ni Oseña-Paez si Atty. Trixie Cruz-Angeles, na nag-resign noong Oktubre para makapagpokus sa kanyang kalusugan.
Nagtapos si Oseña-Paez ng Specialist in Art History and Major in Urban Studies sa University of Toronto sa Canada.
Noong Pebrero 2019, kinilala siya bilang National Goodwill Ambassador ng UNICEF dahil sa aktibong pagsuporta at pagtaguyod sa mga karapatan ng mga bata.
Nagsimula siya bilang news reporter ng ABS-CBN at Studio 23, naging lifestyle TV host at na-aasign din sa Palace beat.
- Latest