MANILA, Philippines — Muling nagpakita ng suporta ang Estados Unidos sa Pilipinas matapos dagsain ng mga vessels ng Tsina ang ilang features malapit sa Spratly Islands, bagay na malapit sa probinsya ng Palawan na nasa loob ng exclusive economic zone ng Maynila.
Huwebes lang nang ipaabot ng Department of National Defense ang kanilang "great concern" sa diumano'y swarming ng mga sasakyang pandagat ng Tsina sa Iroquous Reef at Sabina Shoal, na parehong nasa loob ng West Philippine Sea.
Related Stories
"The United States supports the Philippines’ continued calls upon the People’s Republic of China (PRC) to respect the international law of the sea in the South China Sea, as reflected in the UN Convention on the Law of the Sea, and its legal obligations pursuant to the 2016 arbitral ruling," wika ni US Department of State spokesperson Ned Price, Lunes (oras sa Amerika).
"The reported escalating swarms of PRC vessels in the vicinity of Iroquois Reef and Sabina Shoal in the Spratly Islands interfere with the livelihoods of Philippine fishing communities, and also reflect continuing disregard for other South China Sea claimants and states lawfully operating in the region."
Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi niya hahayaang mawala sa Pilipinas ang kahit "one square inch" ng teritoryo ng Pilipinas sa anumang dayuhang bansa, kahit na patuloy ang magandang relasyon niya kay Chinese President Xi Jinping.
Nobyembre lang nang magkita sina Bongbong at Xi sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation Summit kung saan pag-uusapan nila dapat ang agawan nila ng teritoryo nila sa South China Sea (kung saan nasa loob ang West Philippine Sea), ngunit hindi klaro kung ito'y natuloy.
Dati nang sinasabi ng Amerika na nangangako silang tutulungan ang mga kaalyado gaya ng Pilipinas na i-uphold ang maritime rights sa gitna ng mga pangwa-water cannon noon ng Beijing sa isang Philippine Navy Ship na noo'y nasa loob lang ng West Philippine Sea.
"Furthermore, we share the Philippines’ concerns regarding the unsafe encounter that the PRC Coast Guard initiated with Philippines naval forces in the South China Sea, as documented before the Senate of the Philippines on December 14," sabi pa ng tagapagsalita ng US Department of State.
"The United States stands with our ally, the Philippines, in upholding the rules-based international order and freedom of navigation in the South China Sea as guaranteed under international law."
Sa bisa ng Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Maynila at Washington, iginigiit ng Amerika na tutulong sila sa pagprotekta ng Pilipinas kung sakaling magkaroon ng armadong komprontasyon ang huli sa Tsina. Gayunpaman, nakikita ito ng mga kritiko bilang pagdadahilan ng Amerika upang mapanatili ang presensya at impluwensya nito sa bansa.
Mayo lang nang mabalitang nag-disperse ang ilang Chinese militia vessels sa Sabina Shoal matapos aniya i-challenge ng Philippine Coast guard sa karagatan.