DOH naghanda vs cholera, kaso tumataas

Base sa data surveillance ng DOH-Epidemio­logy Bureau, mayroon nang 5,860 kaso ng cholera na naiulat mula Enero 1 hanggang Nobyembre 26. Mas mataas ang kaso ngayong 2022 ng 282% kumpara noong 2021 sa parehong period na mayroon lamang 1,534.

MANILA, Philippines — Mas pinalakas ngayon ng Department of Health (DOH) ang kampanya para sa malinis na tubig makaraang makapagtala ng 67 pasyente na nasawi dahil sa Cholera ngayong 2022.

Base sa data surveillance ng DOH-Epidemio­logy Bureau, mayroon nang 5,860 kaso ng cholera na naiulat mula Enero 1 hanggang Nobyembre 26. Mas mataas ang kaso ngayong 2022 ng 282% kumpara noong 2021 sa parehong period na mayroon lamang 1,534.

“Despite this, no local governments have declared an outbreak as cases remained manageable thanks to the close coordination of hospitals and the Health Department in monitoring and treating patients,” ayon kay DOH Secretary Officer-in-Charge Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire.

Karamihan sa mga kaso na naiulat ay mula sa Region VIII (3,620 o 62%), Region XI (810 o 14%), at Region III (336 o 6%).

Sa buong bansa, nakapagtala ng 67 nasawi o case fatality na 1.1%. Mas mataas din ito kumpara noong nakaraang taon na mayroon lang 0.8% case fatality rate.

Kabilang sa mga ak­syon ng DOH ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan para matiyak na ligtas ang mga inuming tubig sa mga komunidad, pagtanggal sa nakagawian ng mga tao tulad ng pagdumi kung saan-saan lalo na sa mga daluyan ng tubig at maayos na disposal ng mga dumi.

Ilan naman sa payo ng DOH sa publiko ang palagiang paghuhugas ng kamay lalo na kung kakain, tiyakin na malis ang tubig na iinumin, maayos ang pagkakaluto ng mga pagkain at hindi hilaw, at iimbak ang hindi pa kakainin na pagkain sa malamig at tuyong lalagyan para hindi mapanis.

Show comments