MANILA, Philippines — Simula na ng Christmas vacation sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa sa susunod na linggo, ayon sa Department of Education (DepEd).
Batay sa DepED Order No. 34 o “School Calendar and Activities for School Year 2022-2023,” magsisimula ang Christmas break sa mga pampublikong paaralan sa Dec. 19, 2022, hanggang Jan. 3, 2023.
Nakatakda namang magbalik-eskwela sa Jan. 4, 2023.
Ang School Year 2022-2023 ay nagsimula noong August 22 at magtatapos sa July 7,2023.
Ang kasalukuyang SY ay may 203 school days at matatapos sa Hulyo 7, 2023.
Inanunsiyo rin ng DepED na magsisimula ang remedial classes para sa mga pampublikong paaralan sa Hulyo 17 hanggang Aug. 26, 2023.