P5.268 trilyong National Budget sa 2023, pirmado na ni Pangulong Marcos

Pinipirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P5.268 trillion budget para sa 2023 sa seremonyang ginawa sa Malacañang, kahapon. Habang nakamasid sina VP Sara Duterte, Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker Martin Romualdez at Executive Secretary Lucas Bersamin.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nilagdaan na kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P5.268 trilyong National Budget para sa 2023.

Ang 2023 General Appropriations Act (GAA), ang unang buong taon na badyet sa ilalim ng administrasyon ni Marcos na tinawag niyang makasaysayan ang pagkakapasa dahil pinakamabilis at nalagdaan sa pinakamaagang petsa.

Ang P5.268 trilyong National Budget para sa Fiscal Year (FY) 2023 ay 4.9% na mas mataas kaysa sa FY 2022.

“As Speaker Martin Romualdez continually reminds me, this is the fastest and the quickest passage of the national budget that we have seen so far,” ani Marcos sa kanyang mensahe sa signing ceremony.

Sinabi rin ni Marcos na mahalaga ang mabilis na pagpasa ng pambansang pondo dahil sinuportahan ng lehislatura ang roadmap ng isinulong sa Executive branch.

Ayon sa Department of Budget and Management, ang economic objectives na nakasaad sa Medium-Term Fiscal Framework (MTFF): 6.5 to 7.5% real gross domestic product (GDP) growth sa 2022 at 6.5 to 8.0% real GDP growth annually sa pagitan ng 2023 at 2028; 9 percent o single digit poverty rate pagdating ng 2028; 3 percent National Government (NG) deficit-to-GDP ratio sa 2028; hindi bababa ng 60 percent NG debt-to-GDP ratio sa 2025; at attainment ng upper-middle-income status ng bansa.

Samantala, ang 8-Point Socioeconomic Agenda sa ilalim ng MTFF ay kinabibilangan ng food security; improved transportation; affordable at clean energy; health care; social services; education; bureaucratic efficiency at sound fiscal management.

Sinabi naman ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na nagpapasalamat sila sa dalawang kapulungan ng Kongreso dahil nasunod ang 8-Point Socioeconomic Agenda ng administrasyon.

Show comments