^

Bansa

Mandatory NCSTP sa college students, aprub na sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mandatory NCSTP sa college students, aprub na sa Kamara
YOUTH activists from the College Editors Guild of the Philippines stage a die-in protest at the Mendiola Peace Arch in Manila on Dec. 12 early morning to denounce the proposed mandatory Reserve Officers’ Training Corps in schools.
The STAR / Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang mandatory National Citizens Service Training Program (NCSTP) para sa lahat ng mga estudyante sa Higher Education Institutions (HEIs) na naglalayong palakasin ang citizen reserve force ng bansa.

Sa botong 276-4-0, pinagtibay ang House Bill (HB) 6687 o ang An ACT Instituting a National Citizens Service Training Program in All Public and Private Tertiary Education Institution.

Sa ilalim ng HB 6687 ay magtatatag ng 2 taong NCSTP na magiging mandatory para sa lahat ng mga estudyanteng naka-enroll sa undergraduate degree programs sa mga public at private HEIs kabilang ang mga naka-enrol sa technical-vocational education and training (TVET) programs o mga kurso sa TESDA (Technical Education Service Development Authority).

Ang NCSTP Bill ay naglalayong ikintal sa kaisipan ng mga kabataang Pilipino ang mahalagang papel ng mga ito sa ‘nation-building’.

Si Speaker Martin Romualdez ang isa sa mga pangunahing may-akda ng mother bill na HB 6486 ay nagpasalamat naman sa kanilang mga kasamahang mambabatas sa mabilis na deliberasyon at pag-aapruba sa panukala na kabilang sa sinertipikahang ‘urgent’ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

HIGHER EDUCATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with