Alok na residency ng New Zealand sa mga nars, ikinabahala

MANILA, Philippines — Ikinababahala ngayon ng Philippine Nurses Association (PNA) na maaaring maapektuhan ang operasyon ng mga pribadong ospital sa bansa sa posibleng pagkagat ng mga nars sa alok na permanent residency ng New Zealand.
Sinabi ni PNA President Melvin Miranda na bagama’t makakatulong sa karera ng mga nars ang pagtungo sa ibang bansa, kailangan pa ring balansehin ito para hindi mapabayaan ang healthcare ng Pilipinas.
Sa kabila ng posibleng pag-alis ng mga nars, maaaring maremedyuhan naman ito sa mga bagong nars na nakapasa sa katatapos na Nursing Licensure Examination nitong Nobyembre.
“With the new nursing workforce who passed the Nurse Licensure Examination this November 2022, so I think nag-add ‘to sa workforce,” saad ni Miranda.
Noong 2021, may 310,000 Pilipino nars ang naitalang nagtatrabaho sa ibang bansa, ayon sa Filipino Nurses United at Department of Health.
- Latest