Nasabat na puting sibuyas ‘di na ligtas kainin - DA
MANILA, Philippines — Hindi na ligtas kainin ang mga puting sibuyas na nasabat kamakailan ng mga otoridad sa Maynila.
Ayon kay Agriculture spokesperson Rex Estoperez, hindi na maaaring mapakinabangan ang mga nasabat na sibuyas kaya’t hindi na ito kailangang ibenta sa mga Kadiwa stalls.
Ang pahayag ay ginawa ni Estoperez bilang paglilinaw sa unang ulat na maaaring maibenta ang kumpiskadong puting sibuyas sa mga Kadiwa stalls sa murang halaga lamang.
Sinabi ni Estoperez na batay sa phytosanitary test na isinagawa sa mga sibuyas, natuklasan na hindi ito na ito ligtas kainin.
Anya dudurugin na lamang ang mga kumpiskadong sibuyas para gawing pataba.
Ang mga kumpiskadong puting sibuyas ay may halagang P3.9 milyon sa Maynila ay inimbentaryo sa warehouse ng Bureau of Plant Industry (BPI) at dito nalaman na isa-isa nang nabubulok ang mga sibuyas.
- Latest