Mas maraming Pinoy, naniniwalang gaganda ang buhay sa 2023 - SWS
MANILA, Philippines — Mas nakararaming Pinoy ang naniniwalang gaganda ang uri ng kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan.
Batay ito sa ginawang fave-to-face interview ng Social Weather Stations sa 1,500 adults sa bansa noong September 29 hanggang October 2.
Ayon sa survey, lumabas na 45 percent ng mga adult Pinoy ang naniniwalang gaganda ang kanilang pamumuhay sa 2023 habang 39 percent ang nagsasabing pareho lamang at 4 percent ang nagsabing lalung lalala ang kundisyon ng kanilang pamumuhay.
Ang resulta ng survey ay nagpapakita ng “excellent” net personal optimism score na +40 na mas mababa ng dalawang puntos sa +42 na naitala noong December 2021 at apat na puntos na mababa sa +44 noong December 2019 bago mag-pandemic.
Ang dalawang puntos na pagbaba sa net personal optimism ay dulot ng walong puntos na pagbaba sa Balance Luzon at limang puntos na pagbaba sa Mindanao samantalang may pagtaas na siyam na puntos sa Visayas at pitong puntos na pagtaas sa Metro Manila.
- Latest