Bagyong Rosal napanatili ang lakas
MANILA, Philippines — Napanatili ng bagyong Rosal ang kanyang lakas habang kumikilos pahilaga hilagang kanluran ng Philippine sea sa Quezon.
Ayon sa PagAsa, ang sentro ni Tropical Depression Rosal ay namataan sa layong 285 kilometro silangan ng Infanta, Quezon.
Si Rosal ay patuloy ang pagkilos pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometer per hour taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kph at pagbugso na 55 kph.
Dulot nito, nakataas ang signal number 1 ng bagyo sa northern portion ng Catanduanes (Pandan, Gigmoto, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Caramoran) sa Luzon.
Makakaranas ng mahina hanggang sa katamtaman na minsa’y malakas na pag-ulan sa Bicol Region, MIMAROPA, Western Visayas, at Quezon.
Malakas naman ang ihip ng hangin sa mga lugar na nasa ilalim ng signal number 1.
Sa susunod na 24 oras, paminsan-minsang pag-ulan ang mararanasan sa Batanes, Babuyan Islands, Apayao, at sa northern portions ng Ilocos Norte at Cagayan dahil sa epekto ng amihan.
Dulot din ng pinagsamang epekto ng bagyo at hanging amihan ay mapanganib sa maliliit na bangka ang karagatan ng Central Luzon, eastern at western seaboards ng Southern Luzon.
Ngayong Linggo, si Rosal ay inaasahang nasa layong 340 km silangan ng Baler, Aurora.
- Latest