^

Bansa

Marcos Jr. kampante: 'Recession' deins mangyayari kahit 8% ang inflation rate

James Relativo - Philstar.com
Marcos Jr. kampante: 'Recession' deins mangyayari kahit 8% ang inflation rate
Litrato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ika-8 ng Disyembre 2022, matapos ipresenta sa kanya ang Philippine banknotes na naglalaman ng lagda ng presidente at ni BSP Governor Felipe M. Medalla, pati na rin ang new generation currency (NGC) series coins kung saan makikita ang bagong BSP logo.
Released/Office of the Press Secretary

MANILA, Philippines — Tiwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi mauuwi sa "recession" ang Pilipinas sa gitna ng mabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin — bumababa naman daw kasi ang kawalang trabaho sa bansa.

Martes lang kasi nang ibalitang umabot na sa 8% ang inflation rate sa Pilipinas, na pinakamataas sa lagpas 14 taon. Nangyayari ito kasabay ng pagsadsad ng unemployment rate sa 4.5%, ang pinakamababa sa 17 taon.

"Kaya't kahit papaano, malakas ang loob nating hindi tayo magkakaroon ng recession dito sa Pilipinas dahil masyadong mababa ang unemployment rate," sabi ng presidente ngayong Huwebes.

"Kung maaalala ninyo, sa pagsimula namin dito sa administrasyong ito, ay pinag-usapan na namin ay trabaho talaga ang aming uunahin."

Ipinagmamalaki ni Marcos Jr. ang pagbaba ng unemployment rate kahit bumaba naman talaga ang aktwal na bilang ng mga taong may trabaho nitong Oktubre sa 47.11 milyon, bagay na pagkaonti kumpara sa 47.38 milyon noong Hulyo.

Nadagdagan din ng 130,000 ang bilang ng Pilipinong naghahanap ng dagdag na oras sa trabaho (underemployed) upang mapataas ang kita sa gitna ng pagtataas ng presyo ng bilihin sa bilang na 6.67 milyon.

"Gumagawa kami nang marami pang ibang paraan para maging mas magaang sa bulsa ng ating mga kababayan itong napakabilis na pagtaas ng presyo ng kung anu-anong mga bilihin," sabi pa ni Bongbong.

"Asahan ninyo na lahat ng paraan na maari nating gawin ay gagawin natin para pababain ang inflation rate at gawing mas mabagal man lang ang pagtaas ng presyo."

Bagama't ilang-ulit nang tumataas ang presyo ng bilihin, hindi tumataas ang minimum na sahod na siyang nagpapababa sa tunay na halaga ng huli (real wages). Kumokonti kasi ang nabibili ng parehong sahod sa gitna ng inflation.

Nanatiling hanggang P570/araw lang ang minimum na pasahod sa Metro Manila simula pa noong Hunyo 2022. Malayong-malayo ito sa P1,140/araw na "family living wage" na iniulat ng IBON Foundation para sa buwan ng Nobyembre.

Ano ba ang 'recession'?

Ayon sa International Monetary Fund, walang "opisyal" na pakahulugan ang recession.

Pero sa kabuuan, ito'y matutukoy bilang panahon kung kailan "may pagbababa economic activity" — kadalasan bilang dalawang magkasunod na kwarto ng pagbagsak sa real gross domestic product (GDP) ng bansa, adjusted to inflation.

Una nang sinabi ng Philippine Statistic Authority na bumilis ang paglago ng ekonomiya sa 7.5% nitong second quarter ng 2022. Sa kabila nito, maraming ekonomista ang nagkakasundong bumaba ito nitong third quarter matapos maapektuhan ng inflation ang consumption.

Pero sa ibang bansa, hindi lang GDP, o halaga ng lahat ng produkto at serbisyo ng isang bansa, ang tinitignan ng mga dalubhasa sa pagdedeklara ng recession.

Halimbawa, bago ideklara ang isang recession sa Estados Unidos, tinitingnan din doon ang ilang mga panukat gaya ng pagbaba ng produksyon, trabaho, tunay na halaga ng sahod/sweldo, atbp., batay sa pamantayan ng National Bureau of Economic Research.

Miyerkules lang nang iulat ng Bureau of Treasury na umabot na sa P13.64 trilyon ang utang ng gobyerno ng Pilipinas nitong Oktubre.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

ECONOMY

EMPLOYMENT

INFLATION

JOBLESSNESS

RECESSION

UNDEREMPLOYMENT

UNEMPLOYMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with