Kahit naharap sa COVID-19 pandemic
MANILA, Philippines — Sa kabila ng mga paghihirap na kinakaharap ng bansa dulot ng pandemya ng COVID-19, nananatili pa rin mapalad o “blessed” ang mga Filipino.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginawang Christmas tree lighting ceremony noong Sabado ng gabi sa Malakanyang.
Masaya anya ang Pangulo dahil naging bahagi siya ng naturang aktibidad at kakaiba ang kanyang pakiramdam dahil matagal na natin itong hinintay kahit noong nakaraang pasko ay medyo pigil.
Ayon pa sa Pangulo, halos tatlong taon na siyang hindi nakakapag pasko tulad ng nakagawiang pasko ng Filipino dahil iba umano ang pagdiriwang ng pasko dito sa Pilipinas.
Iginiit naman niya na ang Pasko ay para sa mga bata kaya ginawa niya ang lahat para masiguro na bawat batang Pinoy ay mayroong pasko.
“And that is something that I think is a good goal for us in this Christmas. Since we have been blessed, all of us, despite all of the challenges we have faced, here we are. We have all been blessed,” dagdag pa ni Marcos.