^

Bansa

Suplay ng karne ng baboy, sapat ngayong Pasko - DA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Suplay ng karne ng baboy, sapat ngayong Pasko - DA
Meat vendors prepare their products at the Marikina Public Market/
AR / Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Sapat ang suplay ng karne ng baboy sa merkado ngayong Pasko.

Ito ang tiniyak kahapon ni Department of Agriculture (DA) Deputy Spokesperson Rex Estoperez.

Ayon kay Estoperez, dahil mas gusto ng mga mamimili na bumili ng sariwang karne, nag-aalangan ang mga nagbebenta ng frozen meat na ilabas ang kanilang mga supply nang maramihan.

Gayunman, pagtiyak niya, walang kakulangan o shortage ng baboy sa bansa.

“Ayun nga lang, kung may frozen at mababa, depende sa inyo kung tangkilikin niyo ‘yun. Kung bagong katay, sa inyo naman ang preference. Pero, wala tayong kakulangan sa karneng baboy lalong lalo na nalalapit ang Pasko,” pahayag pa ni Estoperez, sa panayam sa radyo.

Ganito rin naman ang pahayag ng mga magsasaka na Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).

Anang SINAG, may sapat na suplay ng baboy para sa holidays kahit tumaas ang presyo sa ilang wet market sa Metro Manila.

Sinabi pa ng grupo na ang farmgate prices ng live hogs ay nasa P155 hanggang P175 kada kilo, pero tumaas ito ng P300 bawat  kilo sa ilang wet market sa Metro Manila.

Ayon naman sa DA, nakapokus ngayon ang gobyerno sa pagpapalakas ng produksyon ng live hog matapos na tamaan ng African Swine Fever (ASF) ang anim na rehiyon sa bansa.

DA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with