30% ng Pinoy, gumanda ang buhay - SWS

Majority of the shoppers at a public market in Marikina City wear their face mask while others take them off.
STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nasa 30 percent ng mga Pilipino ang nagsabi na gumanda ang kalidad ng kanilang pamumuhay ngayong 2022 kumpara noong nakaraang taon, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Station.

Ayon sa SWS, 29 percent naman ang nagsabi na sumama ang lagay ng kanilang pamumuhay habang 41 percent ang nagsabing walang naging pagbabago sa kanilang pamumuhay.

Isinagawa ang survey noong Setyembre 29 hanggang Nobyembre 2 sa pamamagitan ng face to face interview sa 1,500 respondents o may 300 bawat isa ang tinanong sa Metro Manila, Visayas at Mindanao at 600 respondents sa Balance Luzon.

Ang mga respondents ay kinuha ang reaction sa tanong na “Kung ikukumpara ang uri ng inyong kasalukuyang pamumuhay sa nakaraang 12 buwan, masasabi ba ninyo na ang uri ng inyong pamumuhay ay mas mabuti kaysa noon, kapareho ng dati o mas masama kaysa noon?.”

Ang survey ay may sampling error margins na ±2.5 percent sa national percentages, ±5.7 percent bawat isa sa Metro Manila, Visayas at  Mindanao samantalang ±4.0 percent  sa Balance Luzon.

Show comments