Salceda, pararangalan ng UNESCO

Albay 2nd District Representative Joey Salceda attended and spoke during a forum at Kapihan sa Manila Bay on September 28, 2022.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nakatakdang parangalan ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) si 2nd District Albay Rep. Joey Salceda bilang isa sa ‘2022 UNESCO Club Outstanding Public Servant in Good Governance’ na gaganapin sa Bayview Hotel, Manila sa darating na Disyembre 11.

Ang parangal ay bilang pagkilala sa kanyang mga natatanging nagawa at adbokasiya na nakatulong sa pagsulong ng mga ulirang layunin ng pandaigdigang ahensiya.

Nasa ikatlo at huling termino ngayon si Salceda sa ‘House of Representatives’ kung saan pinamumunuan niya ang ‘Ways and Means Committee’ nito.

Kabilang sa mahahalagang mga batas na inakda niya sa Kamara ang ‘Universal Access to Quality Tertiary Education Act’ (RA 10939), ‘Tax Reform for Acceleration and Inclusion or TRAIN Act’ (RA 10963), ang ‘Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises or CREATE Act’ (RA 11534), at ang tinatalakay pang ‘Real Property Valuation Reform Act’ at ‘Financial Intermediary Taxation Act,’ at iba pa.

Layunin ng UNESCO Club Public Servants Award na kilalanin ang mga opisyal, pamahalaang lokal, pribadong samahan, at samahang pang-kabataan sa mga paaralan na ang mga programa at pagsusumikap ay nakakatulong sa pagsulong ng mga adhikain at prinsipiyo ng UNESCO.

Show comments