‘Credible lead’ sa 34 missing sabungero malabo pa - PNP

Nakipag-dayalogo kahapon si Justice Sec. Jesus Crispin Remulla sa mga pamilya ng mga nawawalang sabungero, upang hilingin sa kalihim na maglabas na ng resolusyon sa kaso. Kasama rin sa pulong ang NBI at PNP.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Aminado ang Philippine National Police (PNP) na wala pa silang ‘credible lead’ sa posibleng kinaroroonan ng 34 sabungero na nawawala mula pa noong nakaraang taon.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, wala pa silang matibay na ebidensiya na maaa­ring makapagturo sa 34 sabungero bagamat puspusan ang ginagawang imbestigasyon ng CIDG

Noong Huwebes, naglabas ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng composite sketches ng dalawang suspek sa pagkawala ni Michael Bautista, isa sa 34 na nawawala, sa Sta, Cruz, Laguna.

Kinilala ang isa sa mga suspek na si “Dondon,” na iniuugnay din sa mga kaso ng ilang nawawalang mahilig sa sabong sa Maynila.

Sinabi pa ni Fajardo, tinitingnan nila ang posibilidad na iisa lang ang grupo sa likod ng pagkawala ng 34.

Sa ngayon, isinampa na ang reklamo laban sa walo katao at ilang John Does na sangkot sa pagkawala ng mga sabungero sa Maynila.

Show comments