MANILA, Philippines — Humingi ng panahon para sa kanyang pamilya si Presidential Management Staff (PMS) Secretary Naida Angping.
Ito ang kinumpirma ni Office of the Press Secretary-Officer in Charge (OPS-OIC) Undersecretary Cheloy Garafil.
Sa inilabas na pahayag ni Garafil, hindi malinaw kung nagbitiw o nag-leave of absence si Angping o kung gaano katagal siya mawawala.
“Presidential Management Staff (PMS) Secretary Naida Angping has asked to take some personal time for herself and her family, and the President agreed”, ayon kay Garafil.
Ang hakbang ni Angping ay ginawa matapos mapaulat na ang kanyang asawa na si dating Manila representative Harry Angping ay nang-harass umano ng isang hotel staff sa Marriott Marquis Queens Hotel Bangkok, Thailand noong Nobyembre.
Si Pangulong Marcos at ilang matataas na delegasyon mula sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Summit mula Nobyembre 16-19 ay naka-booked sa nasabing 5-star hotel.
Habang hindi naman umano kasama sa nasabing delegasyon ang dating kongresista.
Ang pinuno ng PMS ay laging kasama ng Pangulo sa kanyang mga official trips sa ibang bansa.