2 bagyo, inaasahan ngayong Disyembre
MANILA, Philippines — Inaasahang may hanggang dalawang bagyo ang papasok sa bansa ngayong Disyembre.
Ayon sa PagAsa, ang dalawang bagyo na tatawaging Rosal at Samuel kapag nakapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ay may malaking tsansa na mag-landfall. Pero wala pa anyang indikasyon kung gaano kalakas o kahina ang naturang mga bagyo.
“We also do not discount the possibility that they will be strong, and may reach typhoon and super typhoon categories,” dagdag ni Benison Estareja weather specialist ng PagAsa.
Karaniwang may 20 bagyo ang pumapasok sa bansa kada taon. Kung papasok ang dalawa ngayong Disyembre, ika-18 at 19 ang mga ito.
Si Paeng na ika-16 bagyo sa bansa ang itinuturing na isa sa pinaka malakas na tumama na nag-iwan ng maraming patay at malaking pinsala.
Isinisisi ng mga eksperto na ang patuloy na pagtindi ng mga bagyo na nakakaapekto sa buong mundo lalo na sa Pilipinas ay dulot ng climate change.
- Latest