^

Bansa

P250 bilyon, ikinasa para sa ‘Pambansang Pabahay’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
P250 bilyon, ikinasa para sa ‘Pambansang Pabahay’
Pumirma rin ng Memorandum of Agreement ang DHSUD kasama ang Pag-IBIG Fund at si Bacolod City Mayor Albee Benitez para sa pagpapatayo ng 10,000 bahay sa Bacolod para sa informal settler families (ISFs). 
STAR / File

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund Board) ang paglalaan ng P250 bilyon para sa Pambansang Pabahay na laan para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. 

Dahil dito, malaki ang kumpiyansa ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar na maipatutupad ang pagtatayo ng 1 milyong bahay kada taon sa ilalim ng administrasyong Marcos dahil sa pagsuportang ito ng Pag-IBIG Fund sa pangunguna ni CEO Marilene Acosta.

Pumirma rin ng Memorandum of Agreement ang DHSUD kasama ang Pag-IBIG Fund at si Bacolod City Mayor Albee Benitez para sa pagpapatayo ng 10,000 bahay sa Bacolod para sa informal settler families (ISFs). 

Itinuturing na makasaysayan ang pagpirma ng kasunduan na isang patunay na unti-unti nang nagbubunga ang plano ng gobyerno na solusyunan ang 6.5 million housing backlog ng bansa.

Sa ilalim ng MOA, ang DHSUD ang mangunguna sa implementasyon ng programa kasama ang local government units at iba pang mga ahensya.

Bukod sa paglalaan ng pondo para sa developmental loan ay magbibigay din ng individual housing loans ang Pag-IBIG Fund para sa mga benepisyaryong napili ng mga LGU.

HOUSING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with