Pangulong Marcos nagpasaklolo sa media
MANILA, Philippines — Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa media na tulungan ang kanyang administrasyon na mapalaganap ang paghahatid ng impormasyon sa publiko.
Ginawa ng Pangulo ang apela sa oath-taking ng mga bagong halal na opisyal at Board of Trustees ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Naniniwala si Marcos na malaki ang maitutulong ng media para maiparating sa mga tao ang mga polisiya, programa at maging ang mga achievement ng gobyerno.
Muli namang tiniyak ng Pangulo ang proteksyon sa karapatan ng mga mamamahayag.
Kinilala rin ng Presidente ang kontribusyon at mahalagang papel ng media sa pagpapahusay ng access to information at pagpapataas ng awareness sa iba’t ibang usapin.
- Latest