MANILA, Philippines — Naglabas na ng guidelines ang Department of Labor and Employment (DOLE) pagdating sa 13th month pay ng mga empleyado, bagay na dapat mabayaran ng employers hanggang bisperas ng Pasko.
Ito ang muling idiniin ng kagawaran, Lunes, sa kalalabas lang nilang DOLE Labor Advisory No. 23, Series of 2022.
Related Stories
"The 13th month pay shall be paid on or before December 24, 2022," wika ng DOLE sa kanilang advisory.
"No request or application for exemption from payment of 13th-month pay, or for deferment of the payment thereof shall be accepted and allowed."
Ang naturang alituntunin ay inilabas alinsunod sa Article 5 ng Labor Code of the Philiine at Presidential Decree 851 na nag-oobliga sa mga employers ng pribadong sektor na bayaran ng 13th month pay ang kanilang rank-and-file employees.
Sasaklawin nito ang lahat ng nabanggit anuman ang posisyon o employment status basta't "nakapagtrabaho ng hindi bababa sa isang buwan ng calendar year."
Ibibigay din ito sa rank-and-file employees na:
- binabayaran sa "piece-rate basis"
- fixed o guaranteed wage plus comission
- may multiple employers mga nag-resign o tinanggal
- nasa maternity leave
- mga nakakukuha ng salary deferrential
Para i-compute ang 13th month, i-add ang kabuuang halaga ng sahod/sweldong nakuha sa buong taon at i-divide ito sa 12 (buwan). Hindi pwedeng bumaba riyan ang 13th month.
"The minimum amount shall be given without prejudice to existing company practice or policy, employment contract or collective bargaining agreement (CBA) if any."
"Comliance with the 13th-month pay shall be enforced b the appropriate DOLE Regional/Field/Provincial Office having jurisdiction over the workplace in accordance with the prescribed rules and regulations."
Ngayong buwan lang nang sabihin ng DOLE na inaaral na nila kung maaaring bigyan ng subsidyo ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) para mabayaran nila ng 13th month ang kanilang mga manggawa.
Taong 2021 lang nang iulat ng kagawarang umabot sa 1,300 kumpanya ang bigong makapagbigay ng naturang benepisyo, na isang paglabag sa batas. — James Relativo