RITM hindi bubuwagin – DOH

RITM facade
RITM.gov.ph

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Department of Health (DOH) na hindi bubuwagin ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa oras na maipasa ang isang panukalang batas na lilikha sa Center for Disease Control (CDC) ng Pilipinas.

Ipinaliwanag ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na maa-absorb lamang ang RITM sa ilalim ng CDC Center for Reference Laboratories and Center for Health Evidence kapag naipasa ang panukala.

“I’d like to assure all our personnel in the RITM na hindi po natin bubuwagin ang RITM,” ayon kay Vergeire.  “There is no truth to that.”

Tiniyak rin niya na lahat ng empleyado ng RITM ay maa-absorb at hindi mawawalan ng trabaho.

Sinabi pa ng opisyal na kapag napasailalim sa CDC, mas lalo pang mapalalakas ang research facility sa pagkakaroon ng dagdag na mga pondo, support at mas maraming eksperto.

Ito ay makaraang magkilos-protesta ang mga empleyado ng RITM kamakailan at kinokondena ang hinala nilang abolisyon ng RITM dahil sa paglikha ng CDC.

Show comments