^

Bansa

Omicron BQ.1 subvariant nasa Pilipinas na, 'mas nakahahawang' uri ng COVID-19

James Relativo - Philstar.com
Omicron BQ.1 subvariant nasa Pilipinas na, 'mas nakahahawang' uri ng COVID-19
Members of the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) and Manila Police District (MPD) check the Bar examinees arriving near the De La Salle University campus along Taft Avenue and the San Beda College in Mendiola, Manila on the first day of their exam on November 9, 2022.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Kinumpirma na ng Department of Health (DOH) na nakapasok na ng Pilipinas ang 14 kaso ng Omicron BQ.1 subvariant ng COVID-19, bagay na "highly immune evasive" at "mas transmissible" kumpara sa iba.

Sinabi ito ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, Biyernes, sa isang media forum habang iprinepresenta ang resulta ng pinakabagong genome sequencing ng UP-Philippine Genome Center, Research Institute for Tropical Medicine at San Lazaro Hospital mula ika-28 ng Oktubre hanggang ika-18 ng Nobyembre.

"What we know so far is that it is more transmissible and it is highly immune-evasive compared to the other sub-variants of Omicron," wika ni Vergeire kanina.

Sinasabing 13 sa 14 BQ.1 infections ang local cases galing sa:

  • Cordillera Administrative Region Ilocos Region
  • Central Visayas
  • National Capital Region

Hindi pa naman kinukumpirma ng Kagawaran ng Kalusugan kung returning overseas Filipino ang isa pang nalalabing kaso.

Nagpaalala naman si Vergeire sa publiko na mananatili pa rin ang COVID-19 safety measures sa Pilipinas, kasama na riyan ang physical distancing, pagsusuot ng face masks, pagpapabakuna atbp.

Ito'y kahit na optional na lang ang pagsusuot ng face masks sa indoor at outdoor areas sa ngayon. Hindi na ito sapilitan matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order 7 kamakailan.

"It is high time for us to remember that yes we are aware that there are these variants and sub-variants being detected in the country. But we should also be aware that whatever variants or sub-variants that may be detected, our protocols for us to get protection and for us to protect our families are all the same," dagdag pa ng DOH official.

Una nang sinabi ng US health regulators na ang BQ.1 ay nasa 16.6% na ng kabuuang COVID-19 variants sa kanilang bansa, at halos dumoble na mula sa bilang noong nakaraang linggo.

Inaasahan naman ng Europa na ito na ang magiging dominanteng variant sa loob ng buwan. Ayon sa European Centre for Disease Prevention and Control, malaki ang tiyansang pataasin ng variants ang mga hawaan sa European region sa mga darating na linggo.

Aabot na sa 4.02 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula nang makapasok ito noong 2022. Sa bilang na 'yan, patay na ang 64,524.

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

OMICRON VARIANT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with