Government workers may taas-sahod sa 2023
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Budget and Management na magkakaroon ng panibagong pagtaas sa sahod ng mga government employees sa susunod na taon.
Tugon ito ng DBM sa mga panawagan ng ilang unyon mula sa public sector na itaas ang minimum salary ng mga kawani ng gobyerno sa P33,000 kada buwan.
“The last tranche of the modification of the salary schedule for civilian personnel pursuant to Republic Act (RA) No. 11466 or the Salary Standardization Law (SSL) 5 will be implemented in 2023. Hence, government employees concerned will have another salary adjustment by next year,” anang DBM.
Ang RA 11466, na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay nagbibigay sa mga civilian government employees ng isa pang round ng pagtaas ng suweldo na hinati-hati mula 2020 hanggang 2023.
Nilinaw din ng DBM na ang karagdagang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa gobyerno ay dapat isagawa sa pamamagitan ng legislative measure.
“Once House Bills or Senate Bills are filed, the DBM is providing comments, inputs, or recommendations on the same,” anang ahensiya.
- Latest