SILIPIN: Presyo ng 'Noche Buena' items ngayong 2022
MANILA, Philippines — Marami na ang nagsisimulang mamili bilang paghahanda sa paparating na salu-salo ng Pasko at Bagong Taon — pero huwag magugulat sa mga presyo, iba na kasi ang aabutan niyo sa merkado.
Inilabas na kasi ng Department of Trade and Industry (DTI), Miyerkules, ang "price guide" para sa mga sangkap na karaniwang kailangan tuwing Noche Buena, bagay na natataon sa halos 14-year high na inflation rate.
"Ito po 'yung current presyo na ibinebenta sa merkado... Ang range po ng pagtaas niya compared to 2021 nasa 10% po. Meron pong pinakamalaking 27%, depende sa produkto," sabi ni Trade Undersecretary Ruth Castello sa state-run PTV4.
"Sa ham po for example nasa 10% siya, and then fruit cocktail nasa 13%, pero ang mayonnaise po medyo mataas nasa 27%."
Narito ang patikim sa listsahan ng presyo, mula sa pinakamura hanggang pinakamahal depende sa brand:
Ham
- 500g CDO American Ham - P163
- 1.5 kg Purefoods Fiesta Ham - P892.50
Fruit Cocktail
- 432g Seasons Tropical Fruit Cocktail - P56
- 3.06kg Dole Tropical Fruit Cocktail - P288
Cheese
- 160g Eden Filled Cheese - P55
- 900g Eden Meltsarap - P371
Keso de Bola
- 300g Ques-O de Bola - P199.50
- 750g Che-VITAL Cheese Ball - P513.75
Mayonnaise
- 80ml Best Foods Regular Mayonnaise Mayo Magic - P24
- 700ml jar Best Foods Regular Mayonnaise Mayo Magic - P176.15
Sandwich spread
- 60g Cheez Whiz Regular - P26
- 470 ml jar Lady's Choice Sandwich Spread - P252
Pasta/Spaghetti
- 200g Amigo Segurado Spaghetti - P25.50
- 1kb Ideal Gourmet Spaghetti - P111
Elbow macaroni
- 200g Amido Segurado Elbow Macaroni - P23
- 1kg Del Monte Elbow Macaroni - P119
Salad macaroni
- 200g Royal Salad Macaroni - P36.50
- 1kg Ideal Gourmet Salad Macaroni - P117
Spaghetti sauce
- 200g Del Monte Carbonara - P35.50
- 1kg Clara Ole Three Cheese Style - P95.50
Tomato Sauce
- 115g UFC Tomato Sauce - P17.25
- 1kg UFC Tomato Sauce - P92.25
Creamer/All Purpose Cream
- 250ml Alaska Crema - P63
- 250 Nestle All Purpose Cream - P75
Pwedeng pagkumparahin ang mga presyo ng mga nabanggit sa presyo ng Noche Buena items noong 2021 sa link na ito.
Ang mga naturang suggested retail prices ay epektibo sa lahat ng supermarkets at palengke sa buong Pilipinas, maliban na lang kung naka-specify.
"Todo naman ang pagbabantay ng DTI talaga, especially now na itong Christmas season... Although siyempre nag-advise din naman ang mga manufacturers sa DTI na magtataas na sila for this year," paliwanag pa ni Castello.
"Meron din po tayong standing appeals sa manufactuers... naiintindihan natin na mataas talaga ang cost of production nitong panahon na ito, pero 'yung apelad natin sa kanila... kung pwede, 'yung increases nila nasa absolute minimum lang. 'Yung hindi lang sila malugi."
Upang makatipid, pinayuhan ng DTI ang publiko na tignan ang mga pinakamura sa mga brands para sa mga produktong nasa kaparehong bigat o laki.
Kamakailan lang nang hilingin ng mga government workers na itaas na ng gobyerno ang minimum wage sa buong Pilipinas sa P33,000 upang makaagapay sa taas ng presyo ng bilihin sa ngayon.
Oktubre lang nang iulat ng Pulse Asia na aabot sa 66% ng mga Pilipino ang naniniwalang ang bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin ang numero unong dapat daw latagan ng pinakamabilis ng aksyon ng gobyerno.
Para sa mga reklamo pagdating sa presyo ng mga produkto sa pamilihan, maaaring bisitahin ang pinakamalapit na DTI Regional/Provincial office o DTI-FTEB o kontakin ang 731-3330 o 0917-8343330.
- Latest