MANILA, Philippines — "Napakataas" ng agwat sa pagitan ng mahihirap at mayayaman sa Pilipinas sa kabila ng mga hakbang sa poverty reduction at shared prosperity, bagay na dapat daw pagtuunan ng bansa, ayon sa bagong ulat ng World Bank.
Ito ang ibinahagi ng international financial institution, Huwebes, sa publikasyong "Overcoming Poverty and Inequality in the Philippines : Past, Present, and Prospects for the Future."
Related Stories
"Disparities in income and consumption continue to be higher in the Philippines than in neighboring countries," wika ng World Bank.
"With an income Gini coefficient of 42.3 percent in 2018, the Philippines ranks 15th of 63 countries for which data on income inequality is available. Of [East Asia Pacific] countries for which data are available for 2014–19, only in Thailand is income inequality greater than in the Philippines."
Sinusukat ng Gini index o coefficient ang distribution ng income o consumption sa mga inbdibidwal o kabahayan sa isang ekonomiya at kung gaano ito kalayo sa pantay na pantay na pamamahagi.
Ang Gini index na 0 ay nangangahulugan ng "perfect equality" habang ang index na 100 ay perfect inequality.
"Though the gap between top and bottom earners in the Philippines has narrowed, it is still higher than in many regional peers," dagdag pa ng World Bank.
"[I]nequality remains very high; the share in total national income of the bottom 50 percent now constitutes only 14 percent, while the top 1 percent capture 17 percent of national income."
Ganito ang share ng national income ng top 10% ng populasyon sa mga nagdaang taon:
- 50% (noong 1980)
- 55% (1997-1998)
- 46% (noong 2019)
Tinitignan ng 75% ng mga Pilipino noong 2019 ang kanilang lipunan bilang isang tatsulok (pyramid), kung saan karamihan ng populasyon ay nasa ibaba habang kakaonting mayayaman ay nasa itaas. Ito'y alinsunod sa isinagawang International Social Survey Programme.
"In 2009, about 50 percent of respondents agreed that the difference in incomes is too large, and a similar proportion agreed that it is the government’s responsibility to reduce income differences between groups," dagdag pa nila.
"By 2019, the proportion agreeing had gone up to nearly 70 percent, suggesting growing awareness of the importance of inequality in the country and of the need for the government to address it."
Paglago ng ekonomiya at kahirapan
Simula mid-1990s, napansin ng World Bank na nagdulot ang paglago ng ekonomiya ng "pagpapababa ng kahirapan," habang ang "shared prosperity" naman daw ay umaabante simula early 2000s.
Nitong Nobyembre lang nang ibalita ng Philippine Statistics Authority na lumago ang ekonomiya nitong ikalawang kwarto ng 2022. Umakyat kasi sa 7.5% ang gross domestic product, bagay na nirebisa pataas buhat ng mas malakas at construction at real estate activities.
Sa kabila nito, 49% o halos kalahati ng mga pamilyang Pilipino ang nasabing sila'y "mahihirap," ayon sa survey ng Social Weather Stations na inilabas nitong Oktubre.
Mula sa dating 2.5 milyong pamilya noong Setyembre 2021, tumaas naman sa 3 milyong pamilyang Pilipino ang nagasabing nakaranas sila ng kawalan ng pagkain nitong Disyembre 2021.
Ang lahat ng ito ay nangyayari matapos maabot ang 7.7% inflation rate noong nakaraang buwan, ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin sa nakalipas na halos 14 taon.
Matagal nang ipinapanawagan ng mga progresibong grupo ang pagpapataas ng buwis sa mga bilyonaryo o pinakamayayaman sa Pilipinas habang ipinapanukala ang pagtataas ng minimum wage upang mapaliit ang income inequality.