^

Bansa

Paggamit ng mga antibiotic na walang reseta, talamak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Paggamit ng mga antibiotic na walang reseta, talamak
Stock image of medicines.
Pixabay / Pexels

MANILA, Philippines — Nakatutok ngayon ang Department of Health (DOH) sa paglaban sa “anti-microbial resistance (AMR)” o ang epekto ng talamak na paggamit ng antibiotics na walang tamang preskripsyon mula sa doktor na dahilan din umano ng mas matinding banta sa kalusugan.

Nagsanib puwersa ang DOH, World Health Organization at mga medical practitioners sa pagsusulong ng paglaban sa AMR ngayong selebrasyon ng Philippine Antimicrobial Awareness Week 2022.

Ayon sa DOH, tumaas ang insidente ng pag-inom ng mga antimicrobial drugs na walang tamang paggabay ng mga doktor nitong kasagsagan ng pan­demya dahil sa ginagawang “self-medication” laban sa COVID-19.

Noong 2014, bumuo na ang gobyerno ng Inter- Agency Committee on Antimicrobial Resistance para labanan ang antimicrobial resistance ngunit kailangan umano ng mas masusing pagpapatupad nito.

Umaasa naman ang Food and Drugs Administration na aaksyunan na ng Kongreso ang nakabinbin na panukalang batas na naglilipat sa Department of Agriculture ang pagbibigay ng prescription ng mga gamot sa hayop para mabantayan ang isyu ng antimicrobial sa hayop.

 

ANTIBIOTIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with