^

Bansa

Mga mangingisda kontra sa 'new US military bases' kasabay ng Harris visit

James Relativo - Philstar.com
Mga mangingisda kontra sa 'new US military bases' kasabay ng Harris visit
US Vice President Kamala Harris (L) meets with Philippines President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr at Malacanang Palace in Manila on November 21, 2022.
Haiyun Jiang / POOL / AFP

MANILA, Philippines — Pinalagan ng grupo ng mga mangingisda ang plano ng Amerikang magtayo ng bagong pasilidad sa mga kampo ng mga sundalo, bagay na "pagsasamantala" raw sa problema nila sa West Philippine Sea na inaangkin ng Tsina.

Kasalukuyan kasing nasa bansa si Harris, na inanunsyo ang pagtutukoy ng mga bagong lugar na pwedeng tayuan ng pasilidad ng Estados Unidos kaugnay ng kontrobersyal na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), "de facto" military bases kasi ito ng mga banyaga kahit may soberanya na ang Pilipinas.

"Whether it be Chinese or American troops, we are against any military intervention that trample our sovereign rights and territorial integrity," wika ng PAMALAKAYA, Martes.

"There is no lesser evil between these countries that advance their own vested economic and geopolitical interests."

Taong 1992 nang magsara ang huling base militar ng Amerika sa Pilipinas matapos magkaroon ng alitan ng dalawang bansa sa presyo ng renta na kailangang bayaran ng una. 

Nangyari ito matapos ibasura ng Senado ang panukalang tratado na RP-US Treaty of Friendship, Cooperation and Peace na magpapahintulot sa Washington na manatili sa US Subic Naval Base ng 10 pang taon. Ang U.S. Naval Base Subic Bay ang huling US military base sa Southeast Asia.

Sa kabila nito, iginigiit ng mga aktibistang pinatatakbo ang mga EDCA locations na parang base militar, lalo na't naglalagay dito ng military equipment at bala. Amerika ang magtatayo at magpapatakbo nito, na siyang "para sa sa mga Kano at Pinoy." Pero giit ng mga militante, hindi pinapapasok dito ang mga Pilipino.

Kasalukuyang may limang EDCA sites sa Pilipinas, na posibleng madagdagan pa ng lima sa Cagayan, Palawan, Zambales at Isabela, wika ni Armed Forces of the Philippines chief Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro.

"We urge VP Kamala Harris not to capitalize the plight of Filipino fisherfolk to justify the construction of more military bases in Palawan, in addition to the existing U.S. naval station in Oyster Bay," sabi pa ng PAMALAKAYA.

"VP Harris is not here to talk peace, but to provoke China and push them to become more aggressive and hostile in the West Philippine Sea, at the further expense of the fishing security of Filipinos."

Bawal ang base militar ng dayuhan sa 'Pinas

Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs na hindi "foreign military bases" ang dulot ng EDCA. 

Sa ilalim ng 1987 Constitution, pinagbabawalan ang pagtatayo ng base militar ng mga dayuhan sa Pilipinas maliban na lang kung papayagan ng Senado at Konggreso.

Ayon sa Article XVIII, Section 25:

After the expiration in 1991 of the Agreement between the Republic of the Philippines and the United States of America concerning military bases, foreign military bases, troops, or facilities shall not be allowed in the Philippines except under a treaty duly concurred in by the Senate and, when the Congress so requires, ratified by a majority of the votes cast by the people in a national referendum held for that purpose, and recognized as a treaty by the other contracting State.

Iginigiit ni Harris ang mga bagong EDCA locations habang muling idinidiing proprotektahan ng Amerika ang Pilipinas kung sakaling magkaroon ng armadong komprontasyon ang Maynila sa Beijing dulot ng patuloy na pang-aakin at pag-ookupa nila sa lugar sa kabila ng 2006 artibtral ruling pabor sa Maynila.

Natataon ito sa mungkahi ng White House na mag-export ng "nuclear equipment" ang Amerika sa Pilipinas.

"Likewise, President Marcos Jr. should quit from being neutral in the guise of his foreign policy of being ‘friends to all and enemy to none’, which is essentially being subservient to China and the U.S., and virtually making the Philippines a target for all," hamon pa ng PAMALAKAYA. Mas mainam daw ay ang isang independent foreign policy na nakabatay sa respeto sa isa't-isa at sa kasarinlan ng bawat bansa.

CHINA

ENHANCED DEFENSE COOPERATION AGREEMENT

KAMALA HARRIS

PAMALAKAYA

US MILITARY BASES

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with