^

Bansa

Libreng sakay, tuloy sa 2023

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Libreng sakay, tuloy sa 2023
Commuters queue for free bus rides from Philcoa to Cubao in Quezon City on March 30, 2021.
The STAR / Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Itutuloy pa rin sa susunod na taon ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang “Libreng Sakay” program.

Ayon kay Senador Sonny Angara, itutuloy ang programa dahil ang pondo para sa naturang programa ay kasama na sa panukalang 2023 national budget.

Paliwanag pa ni Angara, chairman ng Senate committee on Finance na dinagdagan ang budget para sa naturang programa at si Sen. Grace Poe ang pinuno dito.

Idinagdag pa ng senador na talagang nakatutok si Poe para sa ayuda ng mga tsuper, sa mga operator ng PUV at tricycle para mabigyan ng fuel vouchers lalo na umano ang Libreng Sakay na talagang natutulungan ang pangkaraniwang mamamayan.

Nauna nang sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Mark Steven Pastor na nag-request sila ng P12 billion para maituloy ang libreng sakay sa 2023 para sa commuters at incentives sa PUV drivers at operators na nagpartisipa dito subalit hindi umano ito nakasama sa National Expenditures Program (NEP).

Ang Libreng Sakay program ng DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay inilunsad noong 2020 base sa Republic Act No. 11494 o Bayanihan to Recover as One Act para makatulong sa mga commuter at sa sektor ng tranportasyon na lubhang naapektuhan ng pandemya.

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with