‘Friendly consultations’ hirit ni Xi Jinping sa West Philippine Sea

Composite photo shows Philippines' President Ferdinand Marcos Jr. at the APEC Leaders' Informal Dialogue in Bangkok on Nov. 18, 2022 and China's President Xi Jinping attending the opening of the G20 Summit in Bali on Nov. 15, 2022.
AFP/Rungroj Yongrit and Bay Ismoyo, pool

MANILA, Philippines — Dapat umanong manatili ang “friendly consultation” ng Pilipinas at China sa usapin sa South China Sea.

Inihayag ito ni Chinese President Xi Jinping matapos ang bilateral meeting kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation Economic Leaders’ meeting na ginaganap ngayon sa Bangkok, Thailand.

Ayon sa pahayag ng Chinese Embassy, dapat na manatili ang friendly consultation sa paghawak sa mga hindi pagkakaunawaan at disputes sa South China Sea.

Iginiit pa ng embahada ng China na dapat manatili ang strategic independence, peace, openness at ­inclusiveness sa naturang usapin.

Sinabi pa ng China na dapat tanggihan ng dalawang bansa ang unilateralism at aksyunan ang bullying habang itinataguyod ang kapayapaan at stability sa rehiyon.

Sa panig ni Pangulong Marcos, sinabi nitong dapat na sumunod sa international law at United Nations Convention on the Law of the Sea ang China sa pagtugon sa territorial issues.

Bukod sa usapin sa South China Sea, tinalakay din ng dalawang lider ang food security, health issue, climate change at iba pa.

Matatandaan na hinamon ng Pilipinas ang China noong 2013 kaugnay sa pag-angkin nito sa naturang rehiyon.

Nakatakda naman magkaroon ng state visit sa China si Pangulong Marcos sa susunod na taon.

Show comments