^

Bansa

DOH: Pekeng gamot naglipana sa online shopping

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
DOH: Pekeng gamot naglipana sa online shopping
Ayon sa DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, “global public threat” na ang paglipana ng pekeng gamot dahil maaaring magkaroon ito ng masamang epekto sa kalusugan.
AFP/File

MANILA, Philippines — Nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) sa pagiging talamak na sa mga “online shopping platforms” ng mga ibinibentang pekeng gamot na tumindi nitong kasagsagan ng lockdown dulot ng pandemya.

Ayon sa DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, “global public threat” na ang paglipana ng pekeng gamot dahil maaaring magkaroon ito ng masamang epekto sa kalusugan.

“Counterfeiting of medicines is illegal and considered a serious threat to our individual health and welfare and may result in hospitalization, permanent disability, or worse, even death,” ayon kay Vergeire.

Sa pag-aakalang gagaling sa mas murang gamot na mabibili sa online, sinabi ni Vergeire na maaaring lumala pa ang sakit at posibleng magkaroon ng masamang reaksyon kung gagamitin na may kumplikasyon sa ibang medikasyon ng pasyente.

Ayon naman sa Food and Drugs Administration (FDA), may ilang mga botika o manufacturer ang may opisyal na account sa mga online shopping platform ngunit mas marami ang seller na hindi lisensyado at mahirap ma-trace.

“Maraming gamot ang kinailangan natin, ascorbic acid, gamot sa ating lagnat, sipon, ubo, tendency niyan mas maraming gumagawa ng counterfeit,” ayon kay FDA Common Services Laboratory director II Jocelyn Balderrama.

Sa datos ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group, umabot na sa P53 milyong halaga ng pekeng COVID-19 test kits ang nakumpiska nila mula noong 2020. Ngunit sa mga kasong naisampa, nasa 24% na ang nadismis dahil sa kakulangan ng sertipikasyon ng mga manufacturer na peke ang kanilang nakumpiskang mga ebidensya.

DOH

MEDICINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with