Bantag, naghahanap ng Yamashita treasure sa Bilibid – Remulla
MANILA, Philippines — Naghuhukay umano ng Yamashita treasure si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag sa loob ng compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, ayon kay Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Sinabi ni Remulla na personal na sinabi sa kaniya ni Bantag ang paghahanap ng Yamashita treasure isang araw noong Agosto o Setyembre.
“That was supposed to be a treasure hunt for Yamashita treasure. Originally. I was told by Director General Bantag about it. And I told him to stop it. I told him to stop it,” saad ni Remulla.
“Ridiculous nga e. Tsaka, you’re wasting government time and money. Di ko alam kung government time and money ginamit niya pero ridiculous para sa akin,” dagdag niya.
Sinabi pa niya na trabaho ni Bantag na patakbuhin ang “correction department” ng gobyerno at hindi ang maghanap ng kayamanan.
Una na ring sinabi ni Bantag na isang “deep swimming pool” ang kaniyang ginagawa dahil sa siya ay isang ekspertong maninisid.
Unang nadiskubre ni BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang, Jr. ang hukay na may sukat na 200 meters by 200 meters na lapad at 30 metro na lalim.
Wala umanong dokumento ang proyekto at hindi awtorisado ng BuCor ngunit inamin niya na kagamitan ng ahensya ang ginamit dito kabilang ang isang backhoe.
- Latest