P80-M halaga ng ginto 'sinubukang i-smuggle' gamit ang banyo ng eroplano
MANILA, Philippines — Nakumpiska ng Bureau of Customs - Port of Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang milyung-milyong halaga ng gintong alahas na siyang itinago sa palikuran ng isang eroplano mula Hong Kong.
Ayon sa Customs, Biyernes, ika-17 ng Nobyembre nang dumating ang naturang aircraft (PR 301) sa Pilipinas dala ang hindi bababa sa P80 milyong halaga ng gold jewelry na may bigat na 24 kilo.
"The Customs Boarding Inspector from the Aircraft Operations Division discovered the jewelry pieces during boarding formalities on the airplane which arrived at NAIA Terminal 2," wika ng Customs kanina.
"BOC-NAIA District Collector Carmelita Talusan has ordered a thorough investigation, including identifying the persons responsible for this smuggling attempt."
Dagdag pa ng BOC-NAIA na pinangungunahan ni district collector na si Talusan, patuloy nilang titiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng border security sa utos na rin ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz.
"This is aligned with the orders of President Ferdinand Marcos Jr. to stop smuggling in the country," dagdag pa ng Customs.
Una nang sinabi ng kawanihan na mas kaonti ang naitala nilang ilang na pagpupuslit sa loob ng mga container cargoes noong 2021 dahil sa pinatinding electronic tracking.
Oktubre lang nang umabot sa hindi bababa sa 75 kaso ang naihain ng BOC kaugnay ng crackdown ng gobyerno sa smuggling at hoarding sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.
Ilang buwan nang naka-alerto ang Department of Agriculture upang mapag-alaman ang mga posibleng smuggling ng sibuyas sa Pilipinas mula sa ibang bansa, lalo na't lumalabas ito paminsan-minsan sa mga palengke sa kabila ng "kawalan" ng lokal na suplay simula pa Hulyo. — James Relativo
- Latest